Una sa Balita

Simbahan nagpasalamat sa pagkakabawi kay Father Suganob

By
0 469

Labis-labis ang pasasalamat at tuwa ng Simbahang Katolika sa pagkakaligtas kay Father Chito Suganob at isa pang bihag ng lokal na teroristang Maute group makaraan ang mahigit sa 100 araw na digmaan sa Marawi City.

Sinabi ni Iligan Bishop Elenito Galido na ang pagkakabawi kay Father Suganob ay isang magandang pagsalubong ng Panginoon kina Marawi Bishop Edwin dela Peña, Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma at Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo na pauwi mula sa Roma.

Pinuri at pinasalamatan nito ang mga sundalong nagligtas kay Suganob at sa isang bihag na guro. Itinuturing ng nasabing obispo na “good news at answered prayers” ang pagliligtas sa dalawang bihag ng Maute.

“Good news talaga. Nagpasalamat ako sa mga sundalo na naka-rescue kay Fr. Chito at isang teacher yata ng Dansalan na-rescue sila at kaming lahat dito ay natutuwa. Talagang answered prayers. Talagang palagi naming ipinagdarasal. Ngayon malaya na sila. Thanks be to God,” pahayag ni Bishop Galido.

Aniya, ang pagkakaligtas sa mga bihag ay matagal nang ipinagdarasal na mabawi ng buhay ang pari at mga kasama nito. Inamin ni Galido na wala pang pakikipag-ugnayan ang mga sundalo sa mga opisyal ng simbahan sa Mindanao kaugnay sa pagkakaligtas sa mga bihag.

Matatandaang bukod kay Father Chito, may 20 manggagawa ng St. Mary’s Cathedral ang tinangay ng mga terorista nang lusubin ang Simbahan noong Mayo 23, 2017. Ilan sa mga bihag ay nauna nang naiulat na nakaligtas at nakatakas sa kasagsagan ng military operation sa lungsod.()

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More