Una sa Balita

Simbahan galit sa pagtiwalag ni PDu30 sa ICC

By
0 995

Nilampaso ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang pahayag na withdrawal ng Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC) at nagsabing may batayan upang imbestigahan ang war on drugs ng pamahalaan.

Ang planong pagtiwalag ng Pilipinas ay isiniwalat ng Malacañang isang buwan matapos buksan ng ICC ang imbestigasyon sa laganap umanong extrajudicial killings sa termino ni Pre­sident Rodrigo Duterte.

Mariing giit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, “The country’s commitment to human rights in the international community cannot just be set aside by the President alone. The Philippines is not Duterte!”

Nanggigigil na saad ng Prelado, ang desisyon ni PDu30 ay malinaw na pag-iwas sa ‘liability’ ng kanyang mga direktiba ukol sa crackdown ng iligal na droga sa bansa. Hinding-hindi raw makatuwiran ang bansag na ‘biased’ ng Pangulo sa ICC at sa United Nations.

Sa kanyang kolum kamakalawa sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) website, galit na galit na binatikos ng Chair ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ang announcement ng Pangulo.

“How dare Duterte reject the Rome Statutes ang get the Philippines out of the International Criminal Court!” aniya. Hindi raw tama na basta-basta na lang tumiwalag ang bansa sa anumang treaties o ties dahil sa kaprtiso ng isang tao – kahit na presidente pa ito,” banat ni Pabillo.

Paliwanag ng Obispo, “It is always the alibi of despotic lea­ders that when they are investigated they claim that there is no jurisdiction, or there is abuse of power, or that it is just a political move.” Napakarami na raw abuso sa karapatang pantao ngayong term ni Duterte na dapat silipin.

Hindi raw dapat matakot ang kasalukuyang administrasyon na masiyasat kung talagang malinis ang rekord nito. Isang ‘kaduwagan’ daw ang biglaang pag-atras ng Pangulo sa ICC dahil sa mga narinig nitong posibleng human rights violations sa ‘Pinas.

Hinikayat ng CBCP ang tanan na isiping mabuti kung bakit ‘allergic’ ang Pangulong Duterte sa mga paratang sa kanya at mga kaalyado; samantalang kapag ang mga mahihirap ang nadiriin, sapat na rason na raw ito para sila ay patayin!

Narito ng ang puna ni Pabillo: “When accusations are pointed at him, he brings out a barrage of dirty language and random counter accusations, many of which have no basis at all. He hits back at his opponents. Accusing them of fabricated cases and using the agencies and resources of the state put them in jail, take them out of office, or simply shame them in public.”

At kapag kamag-anak o kaibigan ng Pangulo ang sinusuri, hinaha­yaan lang nitong matulog o mabaon sa limot ng publiko ang mga pintas katulad ng nangyari sa P6.4 bilyong drug scam sa Customs na hanggang ngayon ay walang development. Nakalulungkot daw na ‘di nadiriin ang malalaking drug lords sa bansa ngayon dahil pamilyar sa Pangulo.

Kongklusyon ng Prelado, “This is so incongruent! But we must remind ourselves. Congruence and logic are not to be expected from raving people – from raving mad people!” Salamat nalang daw at hindi natitinag ang foreign rapporteur and imbestigators sa foul language, dirty words at banta ni Digong. Sa kabila ng lahat, tuloy ang kaso ng ICC vs Duterte.

Sa huli, ayon kay Bi­shop Pabillo, “he should be investigated. Nobody should stand unaccoun­table. Nobody has impunity.” Kahit na abutin pa daw ito ng taon, kaila­ngang masimulan na — now na! “Duterte and his cohorts should know that they cannot forever dodge justice and the truth,” sigaw ng CBCP official. Dahil sa huli, magwawagi at magwawagi ang katotohanan.

Ano po ang ‘sey’ ninyo sa malungkot na panaghoy ng Simbahan?