Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SIM card registration bentahe sa mga Pinoy

0 147

Malaking pakinabang ang SIM card registration sa mga Pinoy lalo na’t lumalaganap sa bansa ang e-commerce sapagkat nakatutulong ito para magtiwala ang customers sa kanilang mga binibilhan, ayon sa National Privacy Commission kahapon.

Ngunit, sinabi rin ng NPC na mahalagang magarantiya ang privacy ng mga cellphone subscriber para magtagumpay ang SIM card registration na sinusulong sa bansa.

Dagdag pa ng NPC, nakatutulong din na nagbabalangkas ng plataporma para sa identification ng mga tao sa ilalim ng Philippine ID system o PhilSys na magiging basehan sa pagkakakilanlan ng mga taong magrerehistro ang SIM card registration.

Gayunpaman, payo ng NPC, dapat magbigay ng sapat napanahon ang batas para magrehistro ang mga may-ari ng SIM card. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.