Una sa Balita

Silya sa Tokyo Games uupuan ni Diaz sa Rome

0 313

PILIT na ­susungkitin ni 2016 Rio de ­Janeiro Olympics ­silver ­medalist Hidilyn Diaz ang ­kanyang ­ika-apat na ­pagtungtong sa ­Olympics Martes nang gabi sa paghahangad maiuwi ang mga ­kailangang medalya sa pagsabak nito sa 2020 Roma Weightlifting World Cup sa Rome, Italy.

Pangungunahan ng 28-anyos na si Diaz ang tatlong iba pang Pilipinong lifters na sasabak sa ikalawang araw ng aksyon na kinabibila­ngan nina 30th Southeast Asian Games bronze me­dalist Nestor Colonia na bubuhat sa men’s 67kgs. at si Jeffrey ­Garcia na sasabak sa men’s 73kgs.

Hangad ng SEA Games gold medalist at kasalukuyang World No.4 na si Diaz na makapuwesto sa nakatayang mga medalya upang masiguro nito ang kanyang silya at ika-apat na sunod na paglahok sa kada apat na taong olimpiyada na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Sisimulan ni Diaz ang kampanya sa ­Women’s 55kgs. na may 30 ­kalahok sa ganap na alas-6:30 ng gabi (PH time). (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More