Una sa Balita

SILVER PA KAY DE GUZMAN

By
0 120

KUALA LUMPUR — Nagdagdag pa sina gymnasts Kaitlin de Guzman at Reyland Capellan sa medalya ng Pilipinas sa impresibong pinakita sa kani-kanilang events kahapon sa 29th Southeast Asian Games sa Malaysia International Trade and Exhibit Centre.

Isinubi ng 17-anyos na si de Guzman ang silver sa pagsegunda sa women’s floor exercise sa naiskor na 13.025 points bago nakahagip pa ng bronze sa balance beam sa 12.3 points.

Dinakma ni hometown bet Farah Ann ang gold (13.250 pts.), si Rifda Irfanaluthfi (13.000) ng Indonesia sa floor exercise. May 13.125 sa balance beam si Rifda at 13.000 si Malaysian Tan Ing Yueh.

Nadale ni de Guzman ang uneven bars title noong Martes at naging most bemadalled athlete ng Pilipinas sa kasalukuyan sa 11-nation, 12-day biennial sports extravaganza.

“I can’t say how I feel right now, I’m so happy,” bulalas ng lumaki sa Texas na si de Guzman, ang inang si Cintamoni ay gold medalist sa 1995 Chiang Mai (Thailand) SEA Games. “It really feels good to represent the country and duplicate what my mom achieved in the past.”

Idinagdag rin ni Capellan sa nakolekta niyang gold sa floor exercise kamakalawa ang bronze sa vault event ng men’s artistic gymnastics sa 13.975, binuntutan sina Le Tranh Tung ng Vietnam (14.450) at Agus Adi Prayoko ng Indonesia (14.350), na mga naka-gold at silver.

Ang gymnastics na sa ngayon ang national sports association na may pinakamaraming medalya rito sa 2-1-2, ang triathlon ay 2-2-0. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More