Una sa Balita

SILVER GIRL!

By
0 148
hidalyn-diaz-rio-olympics
SPORTS HEROINE — Ang bagong bayani ng sports ng Pilipinas, si Hidilyn Diaz (kaliwa), nang ikuwintas ang silver sa women’s 53kg weightlifting sa Rio. Kasama ni Diaz sa podium sina gold medalist Hsu Shu-Ching (gitna) ng Taiwan at bronze finisher Yoon Jin Hee (kanan) ng South Korea. (AFP)

Pinaligaya ni Hidilyn Diaz ang buong Pilipinas, Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Manila) nang buhatin ang silver medal sa pangalawang araw ng aksiyon sa 31st Olympic Games sa Rio de Janeiro.

Sumegunda ang 25-year-old Zam­boanga City native sa women’s 53-kilogram class ng weightlifting sa Riocentro Pavilion 2, dumating ang tagumpay sa pangatlong quadrennial games stint niya kasunod ng 2012 London at 2008 Beijing.

Bago ang kumpetisyon, dinada­langin ni Diaz sa maaring maging last Olympics na niya ang kahit maka-bronze lang sa likod ng tinyagang napakahirap na training, kasama ang pagdayo pa sa China.

“‘Yun lang, sabi ko kahit bronze. Pero silver pa ang binigay ng Diyos,” maluha-luhang bulalas ng dalaga na babalik ng Pilipinas sa Agosto 11 at nakatakdang tumanggap ng insentibo na ayon sa batas ay P5-million, posibleng iabot nina President Rodrigo Duterte at Philippine Sports Commission chair Butch Ramirez.

Hindi pa lang niya alam kung magpapatuloy pa siyang lumaban pa-2020 Tokyo Olympics.

Hindi pa nanalo ang Pilipinas ng gold sa loob ng 92 taon o sapul nang magsasali sa Olimpiyada simula pa sa 1924 Paris.

“Hindi ko pa sure. Artista, hindi ah,” mabilis niyang hirit.

May total lift ang Philippine Air Force member na 200 kilos mula sa best lift na 88 kilos sa snatch at 112 kilos sa clean and jerk.

Bigo siya sa first attempt sa 88 sa snatch at sa last try sa 91 kilos. Sa clean and jerk, binuksan niya ito sa 111 good lift, 112 pagkaraan saka sumala sa final attempt sa 117 kilos.

Sa oras na yun, sure na siya sa podium finish, bronze.

Si Hsu Shu-Ching ng Taiwan ang dumale ng gold sa 212 (100 snatch at 112 clean and jerk) habang si Yoon Jin Hee ng South Korea ang naka-bronze sa blunder lifts ni Chinese Li Yajun, na bumuhat ng new Olympic record na 101 kilos sa snatch pero nalaglag sa podium dahil sumaltong makumpleto ang  lift sa snatch at clean  jerk, una sa 123 kilos at sa dalawang subok sa  126 sa pagnanasang itaas pa ang unang nagawang 111.

Inalay ni Diaz ang panalo sa inang si Emelita, nagdiwang ng ika-53 kaa­rawan nu’ng isang araw.

Post ni Hidilyn sa Facebook noong Linggo: “Happy birthday to my Mamang emelita! Thank you for the unconditionally love you gave to me. You are my best friend mang. I miss so much!

Thank you sa unlimited prayers mo and novena for me. I will do my best to glorify God, for our country, for the weightlifter in Philippines, for my friendas, for my family and for you mang! Mwaaah!”

Hindi nadpulika ni Nestor Colonia ang nagawa ni Diaz nang mangulelat sa men’s 56 kg class,sa 120 sa snatch saka hindi naiangat ang mga sinubukang 125 nang dalawang beses at ang 154 nang tatlong ulit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy