‘Silence Breakers’ Person of the Year ng Time

By

Napili ng Time magazine bilang Person of the Year nitong Miyerkoles ang ‘Silence Breakers’, ang grupo ng kababaihan na nagsiwalat ng naranasan nilang pang-aabuso.

Nasa pangalawang puwesto naman si US President Donald Trump at sumunod ang lider ng China na si Xi Jinping.

Kinilala ng Time ang ‘Silence Breakers’ dahil sa katapangan nilang ilantad ang naranasang sexual harassment, assault at maging ang panggagahasa ng ilang makapangyarihan sa lipunan.

Ilan sa mga ito ay ang mga aktres na kumanta sa pang-aabuso umano sa kanila ni Hollywood mogul Harvey Weinstein kung kaya’t marami ang nagbahagi ng kanilang madilim na nakaraan gamit ang hashtag na #MeToo.

Isa sa binanggit ng Time ay si Ashley Judd, ang aktres na unang nagsiwalat na nakaranas ng sexual harassment sa nasabing producer.

“These Silence Breakers have started a revolution of refusal, gathering strength by the day, and in the past two months alone, their collective anger has spurred immediate and shocking results: nearly every day, CEOs have been fired, moguls toppled, icons disgraced.

In some cases, criminal charges have been brought,” ayon sa Time. 

SHARE