Una sa Balita

Silahis ng Pasko’ umarangkada na

0 158

SINIMULAN na ng mga Pre-school kids may edad 2-5 ang taunang Children Mardi Gras sa ginanap na parada sa Session at Harrison Roads bilang hudyat sa “Silahis ng Pasko” sa Baguio.

“This is the day for the kids, our way of giving them the spirit of Christmas, which is of course for them,” ayon sa City Social Welfare and ­Development Officer (CSWDO) Betty Fangasan sa kanyang ­welome address.

Ang mga bata at kanilang mga magulang ay pawanag nakasuot ng Christmas outfits gaya ng Santa Claus, shepherds, angels, the wise men, Christmas balls, cards, at iba pa.

Ayon kay Fangasan ,ang pagdaraos ng nabanggit na event at hudyat na ng Pasko sa Baguio.

Nabatid na isinagawa ang event bilang senyales ng taunang selebrasyon ng Kapaskuhan sa Baguio.

Ang kapistahan ay isinasagawa bilang ­pagkilala sa founder ng ‘Silahis ng Pasko’.

Si Narciso Padilla, dating councilor at tourism officer na nagsimula sa nasabing programa noong 1973. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More