Una sa Balita

Silab kikilatisin sa 3YO race

0 209

AARANGKADA ang 10 tigasing batang kabayo sa Three-Year-Old Group Race category 7 ngayong gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Markado si Silab sa 1,600-meter race na pasisisbatin sa Race 3 dahil sa ipinakitang tikas nito sa kanyang huling takbo.

Pag-aari ni Benhur Abalos si Silab na reren­dahan ni AR Villegas, tiyak na magiging top favorite dahil siya rin ang napipisil na pang-primera ng mga karera tipster sa programa ng karera.

“Maganda ‘yung hu­ling takbo niya kaya sa tingin ko kaya niya itong grupo niya,” hayag ni Pablito Legaspi na da­ting tiyempista sa lumang karerahan sa Maynila. “Huwag magkakaroon ng aberya sa largahan, malaki ang panalo ni Silab,”

Sina Electrify at Claudia’s Pride ang magiging mahigpit na karibal ni Silab ayon sa ibang betaranong karerista.

Ang ibang kalahok ay sina Mount Dulang Dulang, Classy Babe, I Object, Morning Girl, Northern Fame at coupled entry na Disney Girls at Irena Smile. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy