Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sikyo sinalisi kable ng kuryente

0 88

Dinampot ang isang 37-anyos na security guard sa aktong ibebenta niya ang mga kable ng kuryente sa isang junk shop sa Bacoor City, Cavite, Martes ng umaga.

Kasong paglabag sa PD 612 o Anti-Fencing Law ang kinakaharap na kaso ni Christian Lorenzo, binata, ng Bautista Subdivision, Brgy. Sampaloc, Dasmariñas City, Cavite dahil sa reklamo ni Christina Chao, 26, manager ng Great Molino Development Corporation and Commercial Building, Bacoor Blvd., Brgy. Niog 3, Bacoor City.

Sa ulat ng Bacoor City Police, dakong alas-7:00 ng umaga, kahapon, nang arestuhin ng dalawang lalaking barangay tanod si Lorenzo sa aktong ibebenta nito ang tinatayang P225,000 halaga ng 4 cords ng 240mm main line wire sa Ikoy’s Junkshop sa Bacoor Boulevard.

Ang pagkakaaresto kay Lorenzo ay bunsod sa reklamo ni Chao matapos na umano’y tangayin ng nauna ang nasabing mga kable ng kuryente sa gusali ng Great Molino Development kung saan siya naka-duty.

Si Lorenzo ay nasa kustodiya na ng Bacoor City Police. (Gene Adsua­ra)

Leave A Reply

Your email address will not be published.