Una sa Balita

Siksik na Superliga GP

By
0 5

Record na nine teams ang maglalabu-labo sa Chooks To Go Philippine Superliga Grand Prix na sisiklab sa Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Heavy favorite pa rin ang two-time defending champion Foton na babanderahan nina Serbians Sara Klisura at Katarina Vukamanovic at si Montenegrin Dragana Perunicnic.

Ibinalik ng Petron Blaze Spikers sina Lindsay Stalzer at Hillary Hurley ng US, at si libero Yuri Fukuda ng Japan.

Tinapik ng Cignal HD Spikers sina Beth Carey ng Australia, Alexis Matthews ng US at Mami Yamashita ng Japan.

Ipapahinga ng F2 Logistics Cargo Movers si injured Ara Galang, isasalang sina Kennedy Bryan ng US at Olympian Maria Jose Perez ng Venezuela.

“With a record of nine teams, this is going to be the biggest PSL ever,” giit ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara.

Makikirambulan din ang Generika-Ayala, Sta. Lucia Realty, Cocolife at bagong saltang Iriga City at UST.