Una sa Balita

Sikolohikal na ED

0 442

Dear Dra Holmes:
About naman po sa sikolohikal na problema ko po kung bakit po ako nagkaka-ED ay nu’ng u­nang month namin na nagsama ay grabe po ang galit n’ya sa sitwasyon ko po, dumating na nga po sa puntong nagsisigawan na po kami at hindi kami nagkikibuan minsan naiisip ko nga po na doon muna ako tumira sa mother­ ko po kaso hindi ko naman po s’ya kayang iwan mag-isa sa bahay.

Paano po kaya mawawala ang iniisip ko na hindi na s’ya magagalit sa akin po dra? Kasi sa tuwing mag-i-initiate na mag-sex kami minsan natatakot po ako kasi po baka magalit na naman po s’ya.

Paano ko po kaya maipapaliwanag po sa kanya ito? Mara­ming salamat po dra. Mag-ingat po kayo dra.

Dear Paul:
Maraming salamat sa iyong sulat sa itaas na nagkumpirma na ang iyong ED ay talagang sikolohikal ang ugat. Maraming mga klaseng sikolohikal na ED. Minsan ang sanhi nito ay isang nangyari noong bata pa ang lalaki o puwede namang walang isang pangyayari na puwedeng ituro at sisihin para sa ED, pero sikolohikal rin ‘yun.

Hindi ko alam kung ang kabataan mo ay nag-ambag sa iyong ED, pero wala akong duda na ang problema mo sa misis mo—ang inyong pag-aaway, ang kaniyang pag­husga sa iyong pagganap sa kama—ay isa sa pinakamalaking balakid sa iyong problema ngayon.

Related Posts

Sa katotohanan lang, ang ED mo ay hindi iyong problema lamang, pero problema ninyong pareho dahil ang kaniyang saloobin na pinapakita niya sa iyo ay hindi nakakataas ng pagnanasa. Kahit mahal mo ang asawa mo, hindi ibig sabihin na magkakaroon ka ng pagnanasa para sa kaniya kung ganyan ang resulta ng inyong pagsasama sa kama.

Dearest Paul, mabuti sigurong kausapin mo nang super masinsinan ang iyong asawa. Hindi mo siya mabubuntis (na walang fertility treatment) kung mananatili siyang ganyan kapag kayo ay sumubok magsiping uli. Papaano ka magkakaroon ng erection kung siya ay nakakatakot o nakakainis?

Kapag nag-usap na kayo, at handa siyang magkuwento at makinig, sana sulatan mo ulit ako, ok? Ingat ng marami—MG Holmes

Si Dra Holmes at nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin rin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy