Una sa Balita

Sikmuraan sa isa’t isa: Jones, Tenorio multado

0 333

Three hits na si Terrence Jones sa unang conference sa PBA, wala pa siyang isang buwan na naglalaro sa Commissioner’s Cup elims.

‘Di pinalagpas ng Commissioner’s Office ang dalawang contact ng TNT KaTropa import kay Ginebra guard LA Tenorio sa laro nila noong Miyerkoles.

Pinagmulta ng P10,000 ang dating Houston Rocket.

‘Di rin nakaligtas si Tenorio na minultahan ng P5,000 dahil sa paninikmura kay Jones. Ayon sa Ironman ng PBA, gumanti lang siya dahil una siyang sinikwat sa sikmura din ni Jones.

Nang gantihan ni Tenorio, hinabol ito ni Jones at binaltak sa balikat na ikinasadsad ng 5-foot-9 playmaker. Tinawagan ng flagrant foul penalty 1 ang 6-9 import.

‘Di nakita ng referees ang unang insidente na sinasabi ni Tenorio kaya ‘di natawagan pero sa review ay parehong nabigyan ng FF1.

Sa laro ng Phoenix at TNT noong June 2, binayagan ni Jones si Calvin Abueva. Gumanti ang Fuel Masters forward, binigyan ng matin­ding clothesline si Jones.

Napagmulta sa insidente si Jones ng P50,000 at dagdag P20,000 sa contact sa isang referee.

Binigyan naman ng indefinite suspension si Abueva at P50,000 fine din sa FF2 kay Jones. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy