Una sa Balita

Siklista itinumba sa droga

By
0 3

Isang drug suspect na kasusuko pa lang sa mga awtoridad ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Sa madilim na kalye sa Barangay Rosario itinumba ng mga hindi pa nakikilalang salarin si Fernando Nanding Alfonso, 65-anyos habang sakay ng kanyang bisikleta.

Nakarinig ang mga nakatira sa paligid ng tatlong putok ng baril na sinundan ng pagharurot ng isang motorsiklo, dakong ala-una ng madaling-araw.

“Mayroong dumaan na tatlong nakamotor, at may nagsabing binalikan pa,” ani Rogelyn Bayani, barangay desk officer.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang apat na basyo ng bala sa crime scene.

Isang family driver si Alfonso na residente ng Barangay Rosario. Wala siyang kaaway, ayon sa mga kaanak. Sumuko sa Oplan Tokhang ng barangay ang biktima dalawang­ araw na ang nakakaraan.