Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sikat na vlogger Hazel Quing, negosyante na!

0 495

Hindi na bago sa atin na marinig ang mga success stories ng mga paborito at iniidolo nating mga social media influencer.

Pero ang chika natin ngayong araw tiyak na kapupulutan ng aral ng netizens lalo na ang mga chismosa nating mga kapitbahay.

Karamihan kasi sa mga kabataan ngayon lalo na ang mga millennials ay sadyang hirap kontrolin ang kanilang mga sarili partikular na sa usaping pera, waldas dito, waldas doon!

Hindi namamalayang wala na palang naiipon.

Pero ibahin natin ang kwento ng Youtuber/negosyante na si Hazel Quing talagang nakaka- inspire ang kanyang success sa karerang tinatahak kahit sa murang edad masasabi mong narating na niya ang rurok ng tagumpay.

Bago natin kilalanin si Hazel pero huwag niyo rin kalimutan tutukan ang programang ABA TRENDiNG! sa Abante Radyo Tabloidista Facebook Page tuwing Linggo ganap na alas-3 ng hapon.

At dahil excited kana na mas makilala pa ng lubusan si Hazel siya ay nag- iisang anak ng kanyang mga magulang. Ipinanganak noong May 17, 1997 at ang 23-anyos na vlogger ay nag- aral sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City sa kursong BS Mathematics.

Related Posts

Buwan ng Nutrisyon

Pumitas ng puno

Umihi sa garahe

Pero alam niyo ba na bago pa man maging isang sikat na vlogger ay pinangarap din pala ni Hazel na makapasok sa mundo ng broadcasting. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana di man siya pinalad sa main stream media matayog naman ang narating ng kanyang bituin sa mundo ng social media.

Dahil sa pagkahilig sa pagsasayaw, pagtugtog ng mga instrumento, travel at kung ano-ano pa kaya niya naisipan na pasukin ang larangan ng pagba-vlog

Taong 2017 nga niya pinost ang kanyang kauna-unahang YouTube video.

Dahil na rin sa pagiging masiyahin, maingay at pagiging-kalog kaya minahal siya ng kanyang mga kaibigan lalo na ng taong bayan, no dull moments sa kanyang mga vlog at maging sa personal na buhay.

At kahit lumaki man sa marangyang pamumuhay si Hazel ay pilit siyang nagsumikap at tumayo sa kanyang sariling mga paa, dahil hindi rin naman biro ang kanyang pinag-daanan sa mundo ng YT nung siya ay nag uumpisa pa lamang at gaya ng iba ay nag-simula rin ito sa wala.

Fast forward to present dahil sa kasalukuyan isa si Hazel Quing sa mga pinakasikat na vlogger sa bansa kaya naman ang kanyang paghihirap ay na bunga na ng isang negosyo. Nakapagpundar na ito ng isang milktea shop sa Maginhawa St. Quezon City na may pangalang 11:11.

Sa ngayon ay isa lamang halimbawa si Hazel sa mga kabataan na wala sa edad o sa estado ng pamumuhay kung paano magiging matagumpay sa buhay ang sikreto ay magsumikap ka upang iyong makamit ang iyong mga pangarap at huwag mong i-asa sa iba ang iyong kapalaran.

Kaya naman Hazel kudos! Proud na proud kami sayo kasama ang mga chismosa kong kapitbahay!

Leave A Reply

Your email address will not be published.