Una sa Balita

Sikat na personalidad pero laglag sa survey

By
0 781

NAGHAHANAP na raw ng media operator ang isang sikat na perso­nalidad na sinasabing sasabak sa senatorial elections sa susunod na taon.

Pero, ayon sa ating Amuyong, nagsisiguro raw ang ating bida dahil ang requirement nito para sa kanyang media ope­rator o propagandist ay dapat matiyak na pasok siya sa Top 15 pagdating ng buwan ng Oktubre.

Sa huling survey kasi, bagama’t mataas ang awareness level ng taumbayan kay Mr. Officer ay mababa naman ang ranking nito.

‘Ika nga, hindi pa raw mai-translate sa boto ang awareness sa kanya ng mga tao.

Komento tuloy ng iba, hindi PR man ang kailangan ni Mr. Officer kundi isang magician dahil sa kabila ng mga propagandang pa-hard sell para sa kanya ay mukhang hindi pa rin ume­epekto.

Ang sabi pa nga ng ating Amuyong, kabi-kabila na rin ang media buying na ginagawa at paulit-ulit ang mga bulok na gimik pero mukhang hindi pa rin kinakagat ng taumbayan.

Pintahan n’yo na. Ang pangalan ng ating bida ay may letrang ‘O’ as in Obvious na lumang istratehiya ang pinaiiral. (Dang Samson-Garcia)