Una sa Balita

Sikat na personalidad kinasisindakan pero takot sa multo

0 464

Kilalang matapang ang isang sikat na personalidad sa bansa kahit na may katandaan na ito.

Marami ang nasisindak sa mamang ito dahil pipitpitin ka ng masasakit na salita kapag nakursunadahan ka.

Pero may nasagap na impormasyon si Mang Teban na bahag pala ang buntot nito sa mga multo.

Minsan daw kasing nag-stay ito sa lumang hotel sa Davao City at natiyempuhan na may nagparamdam sa kanyang kuwarto.

Aba’y hindi na raw umulit itong si astig sa naturang hotel, bagkus­ ay nag-stay na lamang­ sa 5-star hotel kahit magbayad ng malaki.

Pintahan niyo na. Ang sikat na personalidad na kinasisindakan subalit matatakutin sa multo ay maraming kapatid at may letrang M sa kanyang pangalan as in Momo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy