Una sa Balita

SIKAT NA LOVE TEAM, BUBUWAGIN NA!

By
0 293

Ikalulungkot ng fans ng isang loveteam ang balak na paghiwalayin muna ang aktor at aktres na sinusuportahan nila.

“Management decision” na bigyan muna ng mga project na hindi magkasama ang aktor at aktres dahil humina ang popularidad ng kanilang loveteam.

Ipapareha ang aktor sa isang aktres na bahagi rin ng isang loveteam. Bagay na pagsamahin ang dalawa dahil parehong maganda ang kanilang mga mukha.

Bibigyan naman ng ibang project at babaguhin ang image ng aktres na loveteam ng aktor.

Asa­han natin na magpoprotesta ang mga supporter ng loveteam na bubuwagin dahil mahihirapan sila na tanggapin ang desisyon ng mga namamahala sa career ng aktor at aktres.

Actually, may kasalanan din ang fans ng loveteam dahil hindi hihina ang popularidad ng aktor at ng aktres kung consistent ang kanilang ipinakita na suporta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy