Una sa Balita

Sikat na fast food chain sinisi sa JaDine break-up

0 384

May sumpa raw:

Damay na rin ang sikat na fast food chain sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre. Pinagdidiskitahan ngayon ng mga netizen sa social media ang naturang fast food chain na iniendorso ng ilan sa mga sikat na love team na nagwakas nga ang mga relasyon.

Hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng mga netizen ang throwback endorsements photo ng mga love team o real life couple noon na Sarah Geronimo and Gerald Anderson, Joshua Garcia and Julia Barretto (JoshLia), at ang pinaka-recent nga na James and Nadine o JaDine.

Pilit pinaniniwalaan ng mga netizen na tila may sumpa ang fast food company na iyon dahil ang mga nag-iendorso nga nito ay nagbi-break.

Pero siyempre, marami rin ang dumepensa sa naturang fast food chain, na sinasabi nga nila na ‘wag sisihin ang kompanya sa mga “manloloko” umanong lalaki na tulad nina Gerald at James.

Anyway, 2013 nu’ng mabalitang nagkakamabutihan sina Sarah at Gerald, pero hindi nauwi sa relasyon ang lahat dahil nga sa may iba raw niligawan si Gerald noon. Eh, parehong naging mukha rin ng naturang kompanya ang Sarah and Gerald tandem.

2019 naman nu’ng maging kontrobersyal ang break-up ng JoshLia na naging mukha rin ng naturang kompanya. At ngayong taon nga ay nagkumpirma na ang JaDine ng kanilang hiwalayan.

Pero, kaloka ang JaDine break-up na ito, ha. Ang dami-dami nang nadadamay. Nakakatawa na lang. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More