Una sa Balita

SIKAT NA AKTRES, TINANGGIHAN ANG ALOK NA KASAL NI PULITIKO!

By
0 133

Ibang level na pala ang naging relasyon ng isang sikat na aktres (SA) at ng isang pulitiko (P). As in, sa muli nilang pagbabalikan, uma­bot na ito sa puntong nag-propose na si pulitiko ng kasal kay sikat na aktres.

Isang napaka-bongga at napaka-mamahaling diamond engagement ring ang inabot ni P kay SA. Nalaman namin ang halaga ng diamond engagement ring pa lang na inaabot ni P kay SA nang mag-propose ito, as in, kung puwedeng sukatin sa halaga ng singsing ang pagmamahal ni P kay SA aba, mahal na mahal nga nito si SA huh!

Considering din na parang ngayon lang namin nabalitaang nag-alok ng kasal si P sa isang babaeng nakarelasyon niya. ‘Yun nga lang, hindi rin ito mauuwi sa kasalan.

Ang chika ng source namin, sa kabila ng mga nasusulat na mukhang may relasyon pa rin ang dalawa, as in, nag-break na raw talaga. Hindi raw tinanggap ni SA ang singsing.

Ang dahilan, tutol daw kasi ang anak ni SA kay P dahil minsan nang nakita na pinaiyak nito ang kanyang ina. Eh, si SA pa naman, pagda­ting sa mga anak niya, she really listens.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More