Una sa Balita

Sikat na aktres sumpungin

By
0 839

 

Hamon ng isang source, “Magsabi kayo sa akin ng pangalan ng artistang walang tantrums at ipa­puputol ko ang lahat ng mga daliri ko!”

Oo nga naman. Walang artistang hindi­ inaapuntahan ng sumpong. Gaano man kapropersyonal at kamahal ng mga artista ang kanilang trabaho ay siguradong lulutang pa rin paminsan-minsan ang kanilang sumpong.

Tulad na lang ng isang maganda at sikat na female personality na matinding dapuan ng tantrums. Dahil siguro sa sobrang pagod at puyat ay humuhulagpos din ang kanyang tantrums.

Kuwento ng aming source, “Mahirap ispilengin ang babaeng ‘yun kapag may sumpong siya. Lahat, hindi niya kasundo. Pati ang make-up artist, e, inaangilan niya kahit wala namang dahilan!

“Darating siyang nakasimangot, wala siyang binabati, tuluy-tuloy lang siya sa assigned tent niya. Parang may lamay sa tent, kulang na lang na may magpatugtog ng punebre dahil sa sobrang katahimikan.

“Ganu’n ang drama kapag bad hair day ang girl, walang lumalapit sa kanya dahil titingnan lang niya, hindi niya kakausapin. Senyas na lang nang senyas ang alalay niya na wala siya sa mood,” natatawang simulang kuwento ng aming impormante.

Pero pagkatapos lang nang ilang oras ay balik na ang sikat na female personali­ty sa kanyang sarili. Nakikipagkuwentuhan na siya, nakikipagbiruan sa mga crew, maayos na siyang makipag-usap sa production staff.

Komento uli ng source, “Wala naman kasing artistang perfect ang ugali. Lalo na ‘yung matindi ang hirap sa taping, natural lang na nagkakaroon sila ng sumpong.

“Ipa-pack-up sila nang madaling-araw, tapos, alas dos nang hapon, kailangan na uli nilang magtrabaho. Sino naman ang hindi susumpungin kapag ganu’n ang schedule ng trabaho nila?

“Itong sumpunging female personality na ito, bukod sa hirap niya sa trabaho, e, meron pa siyang pinoproblema sa katawan niya. Natural, magkaka-tantrums nga siya!

“Kahit pa anak ka ng general, kapag sobrang pagod na pagod ka na, e, magkakasumpong ka talaga!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Tantanan na!

Kris-Falcis war labasan na lang ng baho

 

 

Tama ang terminong ginamit ng isang kaibigan namin tungkol sa demandahan sa pagitan ni Kris Aquino at ng magkapatid na Falcis (Nicko at Attorney Jess).

Nakakaumay na. Busog na busog ang social media sa mga ipino-post ng magka­patid, ang dami-dami nilang rebelasyon laban kay Kris, naaaliw naman sa pagsunod sa kanilang mga kuda ang mga netizens.
Nakakalungkot lang dahil lahat ng pinagdaanan nina Kris at Nicko bilang mag-partner sa negosyo ay inilalabas nilang magkapatid ngayon para sirain ang kredibilidad ni Kris.

Nalungkot kami nu’ng mabasa namin ang post ni Attorney Jess tungkol sa pagtuturo ng aktres-TV host kay Nicko kung ano ang kanyang sasabihin kapag ayaw magtrabaho ni Kris.

Para sa amin ay may bitbit na lungkot ang ganu’n, hinahalukay nila ngayon ang nakaraan para lang sirain ang imahe ni Kris bilang isang propesyonal na artista, maiisip mo tuloy na mahirap magtiwala sa mga nakakatrabaho mo dahil kapag pala nagkaroon kayo ng alitan ay ilalabas nito ang lahat ng kuwento.

Wala naman ‘yun sa kasong pinagtatalunan nila ngayon sa piskalya. Ang diskurso nila ay tungkol sa nawawalang pera ng mga anak ni Kris na ayon as aktres-TV host ay ninakaw diumano ni Nicko.
Tama, nakakaumay na nga ang mga posts ng magkapatid. Hintayin na lang sana nila ang resolusyon ng mga kasong ihinain ni Kris laban kay Nicko.

Tantanan na ang mga kuwentong wala namang kinalaman sa asuntong pinaglalabanan nila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy