Una sa Balita

Sikat na aktres kinamumuhian ng mga kababayan

0 642

Luma nang kuwento ang mga senaryong luma­labas ngayon tungkol sa hindi kagandahang ugali ng isang kilalang female personality. Kahit naman sa mismong lugar kung saan siya nanggaling at lumaki ay puro nega rin ang mga istorya tungkol sa kanya.

Kabaligtaran nga ang mga nangyayari. Sa halip na matuwa ang kanyang mga kababayan sa po­pularidad na hawak niya ngayon ay hindi masaya ang mga ito dahil kilalang-kilala siyang maldita sa kanilang komunidad.

Sabi ng isang source, “Naku, hindi na bago ang kahambugan at kamalditahan niya! Matagal na siyang ganyan! Kahit nga ang mga kamag-anak niya, e, hindi natutuwa sa popularity niya!

“Malayo ang loob sa kanya ng mga relatives niya, kasi nga, kilalang-kilala na siya ng mga ‘yun! Maldita talaga siya. Kahit ang mga kapatid niya, pinagmamalditahan niya!

“Kaya siya ganyan, e, hindi rin naman kasi siya masaya sa sitwasyon niya. Alam niya na maraming hindi masaya para sa kanya!” inis na kuwento ng aming impormante.

Kahit pala ang mga dating kaklase niya sa high school at sa college ay hindi rin masaya sa kasikatan ngayon ng female personality. Kung mayabang na raw kasi siya nu’ng hindi pa siya nag-aartista ay paano pa ngayong kilala na siya?

Patuloy ng aming source, “Iilan lang ang friends niya, ‘yung mga nakatitiis lang sa kakaibang attitude niya. Ang gusto kasi ng babaeng ‘yun, e, palaging siya ang bida!

“Naku, hate na hate niya kapag may nakakadaig sa kanya! ‘Yung anak-mayamang kaklase niya sa high school, inaaway niya! Kasi nga, maganda na ‘yung girl, e, matalino pa at yayamanin! Kabog siya!

“Kaya hindi nabago ang ipinakikita niyang kaangasan ngayon. Dati na siyang ganyan! Kundi pa nakabusarga ang nguso niya, e, di lalo pa siyang yumabang?” pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

 

Kris damay sa gusot nina James-Michela

Para patunayan na walang problema sa kanilang relasyon ay agarang gumawa ng damage control sina James Yap at Michela Cazzola. Naglabas sila ng retratong magkakasama silang mag-anak na larawan ng isang masa­yang pamilya.

‘Yun lang ang puwede nilang ilabas na pruweba, mga pictures lang, dahil pareho namang hindi masalita sina James at Michela. Hanggang maaari ay gusto nilang maging pribado ang kanilang relasyon.

Pero kailangan nilang bantayan ang kanilang likuran. Hindi ang mga taga-showbiz ang pinagmulan ng istoryang nagkakalabuan na ang magka-live in.

Tagasalo lang ang mga manunulat, ang kuwento ay nanggagaling mismo sa kanilang teritoryo, du’n nag-uugat ang istoryang matagal nang hindi kagandahan ang takbo ng kanilang relasyon.

At huwag ding pagbinta­ngan na kampo ni Kris Aquino ang nagpapalutang sa senaryo. Bali-baligtarin man ang mundo ngayon ay isa na lang ang nag-uugnay kina Kris at James, ang kanilang anak na si Bimby, wala nang iba pa.

Sa salita nga ni Kris ay care bears na lang ito sa kung anumang nagaganap kina James at Michela, may kani-kanyang buhay at prayoridad na sila, kaya ni katiting ay wala nang pakialam sa kanila si Kris.

Mas nakatutok ngayon ang aktres-TV host sa kanyang dalawang anak, sa kanyang kalusugan at sa mga trabahong pinagkakaabalahan nito ngayon, walang-wala na sa kanyang sistema si James Yap.

Uulitin namin, ang mga kuwento tungkol sa pagiging mabuway na ng kanilang relasyon ngayon ay hindi nanggagaling sa mga repor­ters, sa mismong balwarte nila na maaaring hindi nila nababantayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy