Una sa Balita

SIKAT NA AKTOR, NAOSPITAL DAHIL SA BOYFRIEND!

By
0 9

In love sa kasalukuyan ang popular actor pero imbes na maging inspirado, nakakaramdam siya ng stress kapag hindi nagpaparamdam ang tao na nagpapatibok ng puso niya.

Nag-aalala ang mga nagmamalasakit na kaibigan ng aktor dahil ngayon lamang nila nakita ang kakaibang inaasal niya mula nang makilala ang bagong inspirasyon.

Literal na nawawala sa sarili ang aktor dahil sa sobrang pag-iisip sa tao na nagpapasaya sa kanya. Naranasan ng aktor na isugod sa ospital dahil lovesick na lovesick siya.

Hindi nagkukulang sa paalaala ang mga ­kaibigan ng aktor na dapat na magpakatotoo ito ­dahil walang same-sex relationship na nagtatagal.

Pero para sa aktor, natagpuan na niya ang kanyang soulmate. Tunay na pagmamahal umano ang nararamdaman niya dahil maligayang-maligaya siya kapag kasama ang karelasyon, kahit hindi pa sila nagkakaroon ng sexual intimacy.

AKTOR, WALANG TALENT SA PAG-ARTE!

Walang acting talent ang aktor na binigyan ng malaking break sa isang television show. Hirap na hirap ang aktor na ibi­gay ang emosyon na hinihingi sa kanyang karakter kaya siya ang cause of delay ng taping.

Kung frustrated sa aktor ang mga katrabaho nito, doble ang frustration na nararamdaman niya dahil ngayon lamang siya uli nagkaroon ng television assignment at ito ang kanyang pinakahihintay na oportunidad para matupad ang pangarap na makilala bilang artista.