Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sikat na aktor bumigay sa halik ng bortang boylet

0 203

Ngayon ay unti-unti na ngang nalalantad ang tunay na identity, sexual orientation ang isang sikat na aktor, dahil sa pinagtagpi-tagping mga kuwento na sinabayan pa ng isang dating isyu sa kanya.

Kumbinsido na ang mga nakatrabaho ni aktor na ito ay isang kloseta, matapos kumalat sa kanilang sirkulo ang kuwentong paglalandi ng una sa isang mayamang bagets, na nabuko sa kanyang cellphone mismo.

Nagkaroon ng project ang aktor kung saan gay role ang ginampanan niya. Nang magbalik-tanaw ang mga beki na nakatrabaho ni aktor sa production, naalala ng mga ito ang kuwento ng aktor sa set.

Natural lang daw na magsipilyo, mag-mouthwash ang sinumang magkakaroon ng kissing scene o intimate scene sa kapareha, na ginawa nga ng aktor bago ito sumalang sa halikan sa isa pang aktor.

Ang ikinaloka nila, nang matapos ang aktor mag-mouthwash, agad itong nagpunta sa set at sinabing ready na siya sa eksena. Hindi na hinintay pang tawagin ang aktor ng staff, at siya na talaga ang nagprisinta, huh!

Sa unang araw pa lang daw ng shooting ay nagpapahiwatig na ang aktor na dapat kunan agad ang kissing scene nila ng bortang boylet na co-actor niya para raw ma-establish na nagmamahalan sila.

Tumaas ang kilay ng writer dahil lumalabas na pinangungunahan siya ng aktor sa naiisip at nakaplanong story flow ng project.

Hindi naman katakataka magka-interes ang aktor sa kapareha dahil borta at malakas ang appeal nito. Dagdag pang kilalang babaero ito, na nagpakulo lalo nang tinatagong kalandian ng una.

Buti na lang daw at hindi matunog ang radar ng bortang boylet sa kabaklaan ng klosetang aktor, pero ang mga baklitang staff, nagkatinginan na lang at nagsigawang “Confirm mga ateh!”.

Well, gaya ng ibang mga aktor, walang makitang bahid ng kabaklaan ang aktor na ito.

Ganito na nga talaga ang mga kloseta ngayon, mukhang lalake, galaw lalake, pero may pusong babae.

Charrr!! (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.