Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Signature Whiskey patok sa 3YO race

0 106

MAKIKILATIS si Signature Whiskey ngayong araw pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Gagabayan ni class A rider OP Cortez, mapapalaban si Signature Whiskey kontra anim pang kalahok sa distansyang 1,400 metro.

Ayon sa mga karerista, inaasahang mapapalaban si Signature Whiskey kina Kasieguapo at Mangbabatas.

“Balita ko mahusay na kabayo si Signature Whiskey pero siyempre mga batang kabayo kaya walang permaneteng takbo mga ‘yan, puwede maganda ensayo pero pagdating sa aktuwal na laban ay iba na ang ipakikitang performance,” saad ni Marlon Ramos.

Ang ibang kalahok ay sina Todo Pong, Elegant Angel, Yours Truly at Hunky Dory sa event na nakalaan ang added prize na P10,000 sa owner ng mananalong three-year-old horse, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Samantala, paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa hinandang walong races ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.