Una sa Balita

Signal No. 2 sa Cagayan: Bagyong Falcon lumakas

0 1,052

INAKYAT na sa Signal No. 2 sa Cagayan kasunod ng paglakas ng bagyong Falcon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (Pagasa).

Mula tropical cyclone ay naging tropical storm na rin ang bagyo na pa­tuloy na mananalasa sa hilagang-silangag bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.

Nasa Signal No. 1 naman ang Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga, Isabela, Mountain Pro­vince at Ifugao.

Sa huling monito­ring ng Pagasa, namataan ang bagyo sa 335 kilometro ng Tuguegarao City, taglay ang lakas ng ha­ngin na 65 km kada oras, bugso na 80kph at kumikilos sa bilis na 30kph.

Asahang magi­ging maulan din umano sa Cordillera Admi­nistrative Region, Occidental Mindoro, Pa­lawan, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Guimaras.

Nagbabala ang Pag­asa ng pagbaha at landslide sa mga lugar na apektado ng bagyo at ipi­nagbawal na rin ang pag­lalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat.

Sa Biyernes inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. (Tina Mendoza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More