Una sa Balita

Signal No. 1 sa Batanes

By
0 2

Lumakas pa ang bagyong Butchoy habang napanatili nito ang kanyang bilis at direksyon.
Ang sentro ng bagyong Butchoy ay pinakahuling namataan sa layong 860 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyong Butchoy ang pinakama­lakas na hanging umaabot sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 230 kilometro kada oras.

Ang bagyong butchoy ay tinatayang kikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Ang public storm signal No. 1 ay nakataas sa Batanes Group of Islands.

Ang bagyong Butchoy ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado ng umaga.

Ngayong araw ng Huwebes inaasahang lalapit sa East Northeast ng Itbayat, Batanes ang bagyo, sa Sabado ng umaga ay maaaring wala na ito sa loob ng bansa.