Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sign ng pagyaman ang bigas

0 13

Magandang araw po, nais ko lang sanang malaman din ang kahulugan ng panaginip ko. Tungkol po ito sa napanaginipan ko na ako raw ay naging kargador ng bigas. Noong una akala ko ay para lang sa bahay namin ang isang sako ng bigas na karga ko pero matapos kong ibagsak sa pinto ng bahay namin, bumalik ako sa truck na nakaparada sa labas ng bahay at may lamang maraming sako ng bigas, kumuha uli ako s at pagkatapos ay dinala ko naman sa kapitbahay. Parang nagde-deliver ako ng bigas kumbaga, pero sa totoo po ay pangarap ko pa lang ito dahil may maliit lang naman kaming tindahan ngayon. May kinalaman po kaya ito sa pagtatagumpay ng pagtakbo ng aming negosyo? Salamat po sa inyo.

– Boy

Tama ka Boy, magandang sign ang bigas na may kinalaman sa iyong pagyaman at lalo pa itong maganda dahil sa iyong panaginip ikaw ay nagbubuhat ng sako-sakong bigas.

Nangangahulugan ito ng tagumpay at pagkakaroon ng materyal na yaman na sobra sa iyong kailangan, at dahil sinabi mong may maliit kang negosyo ngayon, posibleng ang pagyamang ito ay mangyayari sa hinaharap.

Dapat mo lang bantayan na madala ka ng emosyon dahil sa tagumpay na mararanasan, kaugnay ito na pagiging kargador mo sa iyong panaginip. Nangangahulugan ito na pwedeng magkaroon ka ng kaalitan kung hindi mo ikokonsidera ang ibang tao.

Kung nagbebenta ka ng bigas sa iyong panaginip, sinasabi nito na nahihirapan kang makita ang mga bagay na posibleng magpayaman sa iyo o humahadlang sa pagiging tagumpay mo.

Maaari rin na mangahulugan ang panaginip mo ng pagkainggit sa iyo ng ibang tao. Gayunman, dapat mo lang namang gawin ay maging mapagkumbaba at manatili pa ring may magandang pag-uugali at pakikisama para mas ma-attract mo rin ang swerte at ang ibang tao.

Kapag naging matagumpay ka sa pagkakaroon ng koneksyon sa iba, mababaligtad mo ang kanilang inggit patungo sa paghanga at pagmamahal sa iyo. Sa huli, mas makakaramdam ka ng pakiramdam ng tagumpay dahil walang ibang tao na naiinggit sa iyo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Leave A Reply

Your email address will not be published.