Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sign na magpapalit ng career

0 156

Napanaginipan ko na nasa mall ako para bumili raw ng bagong sapatos, pero pagdating ko sa gusto kong shop na pagbilhan ay sarado kaya napunta ako sa department store ng mall pero hindi naman ako inasikaso ng sales lady na pinagtanungan ko kaya sa bad trip ko ay umalis ako pero may isang sales lady ang nakapansin at tumulong sa akin, sabi niya medyo nakakatakot daw ang itsura ko at parang galit kaya siguro hindi ako pinansin ng una kong pinagtanungan. Anong gustong ipahiwatig nito? Salamat.

– Danielle

Bukod sa karakter na ito ng mga mall, maiuugnay din dito at sa department store ang pagiral ng kapitalismo, marami sa atin ang gusto lang sana na mag-window shopping pero hindi napipigilan ang mapagastos kapag nakikita na natin ang mga bagay na gusto nating bilhin.

At tulad ng mga departnment store na maraming ino-offer na pagpipilian, sinasabi rin ng panaginip mo na marami kang choice sa ngayon pero maaaring ang napapansin mo lamang ay ang may pinakamababang value o halaga sa iyo.

Maaaring tinutukoy nito ang pagdadaanan mo sa iyong career o kaya naman ay anumang mahalagang desisyon tungo sa tagumpay na inaasam mo. Lumalabas ang mall sa panaginip kapag may bagay na gusto mong makamit pero kinokonsidera mong mabuti kung may benepisyo kang makukuha rito. Kaya naman, kailangan mong paghiwalayin ang mga bagay na gusto at kailangan mo.

Related Posts

Ang bahagi naman kung saan hindi ka tinulungan ng sales lady ay nagsasabi na ikaw lang ang makakatulong sa iyo sa ngayon, pero dahil kalaunan ay may tumulong din sa iyo, sinasabi nito na hindi ka mahihiya para humiling ng tulong sa iba kung kinakailangan, at maganda itong katangian sa iyo.

Ang nakita mo namang saradong tindahan ng sapatos na gusto mo sanang pagbilhan, ay nagsasabi na nawalan ka ng interes sa isang bagay na noo’y inaasam mo. Maaari mong gawin para rito ay ibaling sa iba ang pokus at lakas mo.

Kung nagbabalak ka na magpalit ng trabaho o kaya ay naghahanda ka para sa bagong simula, magandang sign ang panaginip mo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.