Una sa Balita

Sign language isingit sa TV news program- Zarate

0 870

NANAWAGAN si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa media at gobyerno na ipatupad ang Filipino Sign Language law o ang Republic Act No. 11106 upang hindi maiwan sa ere ang mga bingi sa mga isinagawang hakbang ng pamahalaan tulad ng lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ayon kay Zarate, marami sa mga bingi ay hindi nakukuha ang malawakang information drive ng gobyerno laban sa COVID-19 at ang pinatupad na lockdown sa buong Luzon at iba pang bahagi ng bansa.

“It has even come to the point that a deaf person in Manila was bodily carried by DSWD volunteers because he does not know of the lockdown and the curfew,” pagsisiwalat ng progresibong mambabatas.

“It is in this light that we are calling on mass media especially the ones in television to immediately implement the FSL law for the sake of our deaf brothers and sisters. It is in fact long overdue and should have been implemented starting 2018,” ayon sa kongresista.

Hiling pa niya, kahit man lang sa main news program ng bawat television channel ay mayroong gumagawa ng sign language upang maintindihan ng bingi ang balita.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More