Una sa Balita

Sige ipaaresto n’yo!

By
0 21

Ipaaaresto ng House Committee on Justice si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kapag hindi sinunod ang ‘subpoena’ na iiisyu ng komite laban sa Punong Ma­histrado.

Ano pa ba ang nagpapatagal sa mga kong­resista na dalhin sa Senado ang rekla­mong ‘impeachment’ laban kay CJ Sereno?

Kung may ‘sustansiya at porma’ na, ano pa ang pumipigil sa Kamara na i-transmit sa Senado ang reklamo laban sa Punong Ma­histrado?

Hindi tuloy maiaalis na magduda ang mga tao sa motibo ng liderato ng Committee on Justice.

Grandstanding lang ang habol. Sayang ang oras at pera.

***

Tuloy na tuloy na ang planong ‘phaseout’ sa buong bansa ng mga bulok na pampasaherong dyip.

Wala nang atrasan, ayon sa LTFRB.

Ngunit sa Davao sa lungsod ni PDu30, kaiba.

Humirit ang kanilang alkalde, ang presidential daughter na si Mayor Sara na huwag munang galawin ang mga lumang dyip sa kanyang lungsod.

Hiniling ng alkalde sa LTFRB na tignan ang bubuuin nilang ‘mass transport system’ na tatawa­ging Davao City high priority bus system (HPBS).

May makatatanggi ba sa anak ng presidente?

Mayora na, presidential daughter pa.

***

Magkakaroon raw ng malawakang balasahan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos mabunyag na may ilang opisyal at empleyado ng ahensiya ang sangkot sa ‘illegal recruitment.’

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), iniimbestigahan na ang mga ulat tungkol sa pambibiktima ng mga ‘illegal recruiter’ sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga ‘direct hire’ na manggagawa.

Nagagamit ng sindikato ang mga ‘job order’ na nakapaskil sa POEA. Sa pagsa­sabwatan ng sindikato, mga guwardiya at mga janitor sa loob ng ahensiya, namamani­pula ang mga numero, bagay na pinagkikitaan ng malaking halaga ng mga tiwali.

Hindi lang dapat balasahan, sibakin at kasuhan ang mga tiwaling kawani ng POEA.

***

Congratulations sa mga bagong guro.

Ayon sa Professional Regulations Commission (PRC) mahigit 70,000 mga kumuha ng Licensure Exam for Teachers (LET) noong nakaraang Setyembre ang nakapasa.

Sa 70,824 mga nakapasa, 21,198 ay mga guro sa elementarya, samantalang 49,626 naman ang sa sekon­darya.

Sana agad makakuha ng trabaho ang mga bagong gu­rong ito.

Agad silang maka-‘landing’ ng trabaho dito sa bansa, at hindi mangamuhan sa ibang bansa.