Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sigaw ni Abueva: Hello Japan, babu PBA!

0 154

Mga Laro Bukas: (MOA Arena)
3:00pm — Converge vs Terrafirma
6:00pm — Ginebra vs NLEX

WALA na si Calvin Abueva sa MOA Arena matapos kumpletuhin ng Magnolia ang 89-84 win kontra Ginebra sa Manila Clasico nitong Linggo.

Natawagan ng pangalawa niyang technical (unsportsmanlike behavior) ang The Beast higit 9 minutes pa sa laro at abante ang Hotshots 74-68. Binangga niya at inasar pa si Gin Kings guard Nards Pinto.

Ejected si Abueva, nagbihis na at paglabas ng dugout ay diretso sa exit.

“Japan! Japan! … Bye, PBA,” sigaw ni Abueva na tumapos ng 9 points, 8 rebounds, 2 assists, 1 steal sa loob ng 24 minutes.

Pagkatapos ng second win sa five games sa PBA Philippine Cup, dumiretso sa postgame press conference sina Best Player of the Game Ian Sangalang at coach Chito Victolero kaya hindi pa alam na wala na sa venue si Abueva.

“Baka frustrated lang,” salo ni Victolero.

Dinagdag ng dalawa na kakausapin ang player.

“Siguro bukas o mamaya, makakausap ko na si Calvin,” ani Sangalang sa kanyang Kabalen na kasama na noong San Sebastian Stags days pa nila sa NCAA. “Nakikinig naman siya, nakita naman namin kung paano siya nagbago sa team na ‘to. Nakikinig na siya, never siyang nawala.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.