Una sa Balita

Sigaw ng mga netizen: Bolick sa Gilas Final 12!

0 407

ISA si Robert Bolick sa mga basketbolistang Pinoy na ‘di umaayaw sa anumang hamon.

Napatunayan na nang bitawan ng La Salle, lumipat sa NCAA at naging top gunner ng San Beda kung saan nagwagi ng tatlong kampeonato.

‘Di pa napigilan ang pag-usbong ng 23-anyos, tumungtong sa PBA bilang third overall pick ng NorthPort Batang Pier, at sa unang season ay nagpakitang-gilas agad sapat para makasama sa Best Player of the Conference finalists sa Commissioner’s Cup.

Sa dinami-raming accomplishment ni Bolick sa kanyang murang basketball pro career, isa pa ang naghihintay na landas sa binata.

Sa ilandaang libong basketbolista sa bansa, 12 lang ang nabibigyan ng tsansa para irepresenta ang Gilas Pilipinas sa international stage.

At ‘di malayong makasungkit ng spot si Bolick sa ‘Magic 12’ ng Gilas.

Sa kanilang tuneup game sa Spain, pakitang-gilas si Bolick, pinatunayan na kayang makipagsabayan sa mga higante ng international league.

Umiskor ng 21 points ang NorthPort rookie kontra Congo, sa huling laro naman kontra Ivory Coast ay siya ang naging top scorer para sa Gilas, may 19 points sahog ang pitong rebounds.

Sa social media, ilang mga sports scribe ang nais makasama si Bolick sa final roster ng PH national team.
“I need a @BabesBolick Pilipinas jersey in my life. Please make this happen,” ayon kay ESPN commentator Aaron Atayde.

Bulto rin ng mga netizen ang nais si Bolick sa lineup dahil anila, bagay sa international brand of play ang bagitong manlalaro.

“Bolick fits to international style of game so he deserves a gilas spot and no doubt he’s the best free throw shooter in the Philippines today,” puri ni @GilasFans.

“Robert Bolick is out there proving he deserves to be in the final Gilas roster for the FIBA World Cup. He’s also in the BPC race for the Commissioner’s Cup. What a year he’s had!” giit naman ni @imman_cipate. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy