Una sa Balita

Sigaw ng mga fan: Jessica Sanchez, Regine V. pagsamahin sa ‘Idol’

By
0 727

May malaking clamor ngayon sa social media na sana ay maging isa sa mga hurado ng Pinoy Idol ang Fil-Am na si Jessica Sanchez, na makakasama niya ang bagong Kapamilya na si Regine Velasquez.

Si Jessica ay isa sa pinakapaboritong contestant noon sa American Idol pero naging runner up lamang siya sa grand winner na si Philipp Philipps noong panahon niya dahil kinulang siya ng puntos sa naging resulta ng botohan.

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Regine ay isa naging rootersnoon ni Jessica na ang suporta talaga nito ay hindi naman makalimutan ng huli. Kaya nga, hindi rin napigilan ni Jessica na i-congratulate ito at magpa-thank you sa paglipat ng Asia’s Song brid sa Kapamilya network.

Sinagot naman ito ni Regine at nagkapalitan na nga sila ng mensahe hanggang sinabi nga niya na sana ay magkatrabaho sila once of these days.

Dahil dito, nagkaroon ng pagkaka­taon ang mga faney na hilingin sa pamunuan ng Kapamilya network na sana nga raw ay maisama si Jessica sa mga hurado lalo na’t wala pa naman silang inaanunsiyo kung sino nga ang bubuo ng panel of judges.

Aba, kung sa qualifications bilang hurado, ‘di hamak na sobra sa pasado ang Fil-Am singer na naririto sa ating bansa sa kasalukuyan.

Pero, ang tanong, available ba si Jessica dahil mahaba-haba ring obligasyon ito?

Interesado ba sa kanya ang ABS-CBN para kunin siya bilang hurado? O, baka naman buo na ito at kulang na lang ang official announcement.

Well, clamor pa lang naman ito sa mga fans pero, valid ang clamor na ito dahil may fandom din naman si Jessica at makakatulong siya sa ikagaganda ng rating ng show, de vah? Abangan na lang natin, huh!

‘Boys For Sale’ sa QC Int’l Pink Fest

Pagkalipas ng tatlong taon na pamamahinga, kulay rosas na naman ang kapaligiran ng mga kafatid natin sa LGBT community dahil sa pamumukadkad na naman ng Quezon City International Pink Festival simula November 14 hanggang sa November 25.
Ang festival na ito will commemorate the 79th founding anniversary of Quezon Ctiy at ang centennial celebration ng Phili­ppine cinema. Bongga, devah?

Sa taong ito, featured ay ang 64 international and local feature and short films, filmmakers, and actors na manggagaling pa sa bansang USA, Brazil, Indonesia, Tonga, Spain, Taiwan, Japan, Thailand, Syria, Turkey at UK.

Bubuksan ang pestibal na ito sa pamamagitan ng isang documentary ni Jethro Patalinghug na “50 Years of Fabulous” (2018) tungkol a world’s oldest surviving LGBT and charity organization at saka San Francisco’s Imperial Council.

Ang lineup naman ng Philippines ay magko-commemorate sa buhay at mga naimbag sa industriya ng yumaong si Soxy Topacio bilang past pre­sident ng Gay Pride Council at bilang isang film director with his ‘Ded Na Si Lolo’.

Ang highlight naman ng local film program ay ang PJ Raval’s documentary sa trahedyang nangyari sa transgender na si Jennifer Laude na may titulong ‘Call Her Ganda’.

Sa short films naman ay ilang student filmmakers naman ang nagpa­kita ng kanilang galing sa pagbuo ng kuwento tungkol sa buhay ng isang LGBT member na kanila ring dinirek.

Pasabog din ang mga pelikulang galing sa ibang bansa katulad ng ‘Liquid Truth’ mula sa Brazil, ‘Boys For Sale’ ng Japan, mula naman sa Turkey ay ang ‘Mr. Gay Syria’ at iba pa. Suportahan natin ito mga beks!

 

‘Tikol’ scene ni Carlo ikinalat

Dahil ‘man of the hour’ ngayon si Carlo Aquino matapos kumita ang pelikula nila ni Angelica Panganiban na Exes Baggage, may mga netizen naman ang nagpapa-viral ngayon sa masturbation scene na ginawa niya noong 2013 pa para sa Cinemalaya Film Festival.

Ang indie movie na may titulong porno ay may suggestive shots kung paano nga nagtitikol si Carlo at ang expression niya habang bumubuga ang dagta mula sa kanyang kalibugan.

‘Yun lang ang makikita sa viral scene na ito, pero dahil ibang level na nga ang kaguwapuhan ngayon ni Carlo ay talaga namang marami ang interesado na muling mapanood ang movie na ito. Kung anuman ang malisyang inilalagay ng netizen dito, dedma lang ang Kapamilya actor dahil alam naman niya na ginawa niya ito na may magandang intensiyon at bahagi ito ng kultura ng mga kalalakihan.

Baka nga kung ira-run ito ngayon sa mga sinehan ay sumabog din ito sa takilya dahil malaki talaga ang fandom ngayon ni Carlo kumpara noong gawin niya ito.

Bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy