Una sa Balita

Sigaw ng mga fan: Free Britney!

0 361

Nag-trend ang #FreeBritney sa Twitter nitong Huwebes, habang ginaganap ang hearing ng conservatorship case ni Britney Spears.

Ito’y matapos na i-push ng mga fan na palayain na si Britney sa conservatory, na anila’y halos hindi na ito malaya sa kung anong gusto talaga nitong gawin. May mga nagprotesta rin sa harap ng courthouse kungsaan isinasagawa ang hearing.

Selyado sa publiko ang hearing na dinaluhan ng siyam na abogado at partisipante, kabilang na ang mga magulang ni Britney na sina Jaime at Lynn (via phone), ayon sa Blast.

Isinagawa ang hearing upang malaman kung kakayanin na ni Britney na magdesisyon para sa kanyang sarili matapos ang mahigit sampung taon na dinidiktahan ng kanyang ama at ng abogadong si Andrew Wallet.

“If you’re wondering why you’re seeing #FreeBritney trending it’s because she’s been in an abusive conservatorship for over 12 years, she’s not allowed to drive her car, see her kids, make phone calls, visit people unsupervised, or see her kids,” anang isang netizen na nakikipaglaban para sa kalayaan ni Britney.

Inilalagay sa ‘conservatorship’ ang isang tao kapag “not being ‘stable either mentally or vulnerable’” kaya’t si Britney ay under legal guardianship. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More