Sigaw ng kampo nina Bianca, Pauline: KYLINE MALANDI, AHAS, PAPANSIN
By GLENN REGONDOLAHangga’t maaari ay gusto talaga ni Kyline Alcantara na manahimik sa kung ano-anong paratang na ibinabato sa kanya ng mga tagahanga ni Bianca Umali at maging ng mga faney ni Pauline Mendoza.
Ang lahat ng panlalait na tinatanggap niya na ang iba’y below-the-belt na ay idinadaan na lang niya sa kanta kahit alam naming nasasaktan na siya.
Kahit masasabi naming isa na kami sa pinakamalapit niyang kaibigan sa media, pero tikom pa rin ang bibig niya kahit sinasabihan namin siyang kailangan din niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Ang lagi niyang sagot sa amin ay ‘ayaw ko ng negativity, gusto ko i-spread ang positivity’.
Wala kang makuhang anumang salita against sa dalawang kasama niya sa patapos nang teleserye na “Kambal, Karibal”.
As much as possible, ayaw rin naming patulan ang isyung ito lalo na’t sobrang mahal si Ky ng kanyang sunflowers na walang ginawa kundi ang suportahan ang bawat apak niya sa entablado na para siyang isang prinsesa kung ituring ng mga ito.
May mga sunflower na ipinagtatanggol siya, pero si Ky na mismo ang nakikiusap sa kanila na huwag dagdagan at palalain ang isyu.
Sobra ang mga paratang sa kanya – malandi, ahas, papansin at kung ano-ano pa.
Pero never siyang nagsalita upang kontrahin ito, sa halip ang tanging sagot niya ay almusal, pananghalian at panggabi na niya ang mga akusasyon sa kanya. Ang mga panlalait sa kanya.
Kahit sa edad niya na very vulnerable siya sa pain, pero isa siyang matapang pero mabait na warrior na labas-masok lang sa kanyang tenga ang ito.
Kinse-anyos lamang si Ky pero ang pagkompronta niya sa mga alegasyong ito ay with utmost maturity. At ‘yun ang ikinabibilib namin sa kanya.
Never itong dumaing o umiyak sa harap ng napakabait niyang mga magulang na sina Daddy Butch at Mommy Weng.
Ang tanong? Kelan ba matatapos ang ‘kalbaryong’ ito sa set ng “Kambal, Karibal”?
At kelan ba matitigil ang mga maling akusasyon sa kinse-anyos at menor de edad na si Ky?
May mga ginawang aksiyon na sa pagkakaalam namin ay may mga tumangging makipag-ayos at hindi na saklaw ng nasa produksiyon ang kanilang desisyon.
Well….