Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sigaw ng GMA boss: Bea hindi mahirap katrabaho

0 227

Hiningan namin ng reaksiyon ang isa sa mga executive ng GMA-7, ang Vice President for Drama ng GMA Entertainment na si Ms. Redgie Acuña-Magno sa masasabing hindi magandang write-up tungkol sa bagong Kapuso na si Bea Alonzo.

Naisulat kasi na diumano’y “maarte” raw si Bea sa mga inaalok na project sa kanya ng GMA. Marami raw itong tanong kung bagay ba sa kanya at kung sino ang makakasama.

Kaya raw pa-guest-guest muna ito at waiting pa sa movie nila ni Alden Richards.

May tanong din kung totoo rin daw na hindi nadala ni Bea ang mga fan sa GMA at kesyo hindi pumalo sa ratings ang mga nilabasang programa sa network.

Na-appreciate namin ang pagtugon ni Ms. Redgie sa message/tanong namin sa kanya.

Mariin niyang pinabulaanan ang lumabas o nasulat na balita.

Ayon dito, “Walang katotohanan lahat ng sinabi. She is easy to work with. Ang bait.. wala kaming problema sa kanya sa mga projects.”

Gusto nga raw nitong malam kung saan nanggaling ang balita dahil sey pa rin niya na binigyang-diin and with bold letter na, “NOT TRUE at all!!!”

Sa isang banda, parang mahirap ngang paniwalaan dahil una, makikita naman kay Bea kung gaano rin ito kasaya ngayon sa bago niyang network.

At the same time, known din ang actress na easy to work with at hindi reklamador.

Vice pinababalik na sa ‘Showtime’

Sa mga oras na ito ay posibleng pabalik na si Vice Ganda kasama ang boyfriend na si Ion Perez at ilang staff at kaibigan niya pabalik ng Manila.

Nakuha pang mag-tweet ni Vice na, “Last day in New York. Last Sarah G. ikot ikot.”

Meaning, huling hirit niya ng pamamasyal o pagsa-shopping. At habang nasa America nga, kahit masasabing nagpasaya naman ang mga naiwang host ng It’s Showtime at naging special guest co-host din si Ogie Alcasid, hindi pa rin talaga ito sapat lalo na sa mga manonood na ang inaabangan talaga at si Vice.

Kaya tuwang-tuwa ang mga netizen sa tweet na ito ni Vice na feeling nila, ilang araw na lang at mapapanood na nilang muli si Vice sa It’s Showtime.

Siyempre, kailangan pa rin nina Vice at Ion na mag-quarantine pagdating ng bansa as part of the protocol.

Pero sey ng ilang netizens, Please come back soon because we really really miss you and kuya @pereziion27_ very much! Stress reliever po namin kayo. Ingat po sa last day nyo dyan and see you soon po sa @itsShowtimeNa.”

“Hello, Meme…. Pauwi ka na ba??? Miss ka na namin.. Lalo na sa showtime.”

“Ingat po pauwi can’t wait me and my mom miss you on showtime already.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.