Una sa Balita

Sigang staff ng senador tiklop kay misis

By
0 220

NAKILALA siyang mas maangas pa kaysa sa among senador at dinidiktahan ang mga opisyal­ ng Senado na huwag tatanggapin sa trabaho ang taong blacklisted sa kanya.

Pero natuklasan ng petmalung spy na si Mang Teban, kaya pala ayaw ni deputy chief of staff na matanggap sa trabaho ang taong kina­aayawan niya ay dahil sa marami itong alam na sikret­o sa kanyang buhay.

Minsan na kasing inawa­y ni misis itong si deputy chief of staff matapos mabisto na nagkaroon pala ito ng relasyon sa isang magandang staff ng Senado.

Abante Hiring – IT dep

Kahit sinong misis, tiyak na uusok sa galit kapag nakita ang kartada ng magandang staff na kinalantare ng hambog na deputy chief of staff.

Ang nabuking na relasyon ay nagresulta sa pagkakatanggal sa trabaho ng magandang staff, pero itong babaero at maanga­s na kanang kamay ng senador, aba’y hindi natibag sa puwesto­.

Pero kung tinanggap daw sa trabaho itong la­laking kinaaayawan ng maangas na staff, siguradong magli-leak ang iba pa nitong kabulastugan sa buhay na lalong ikaiinis ng kanyang misis.

Pintahan niyo na. Ang deputy chief of staff na kilalang maa­ngas subalit tiklop kay misis ay may letrang M sa kanyang pangalan as in Manyakis habang ang amo niyang senador ay kilalang malupit din sa ­ma­gan­dang kababaihan.