Una sa Balita

Sid Lucero sa sports na adik!

By
0 8

Naging open ang award-winning actor na si Sid Lucero sa kanyang mga pinagdaanang mga pagkakamali sa buhay niya.

Dahil nga raw sa kanyang mga bad choi­ces life, naapektuhan tuloy ang kanyang traba­ho at ang relasyon niya sa kanyang pamilya.

“It’s literally like a hole. It’s a fun hole, but you don’t realize how deep you go.

“By the time you reach what seems to be the bottom, which obviously you can’t get out. When you’re in there, in that hole, you’re alone.

“It’s really dark. I was losing my jobs, job offers.

“One day, I came home from work, my family wasn’t there anymore. They left,” pag-alala pa ni Sid.

Lalo raw nalulong sa masamang bisyo niya si Sid dahil sa nararanasang pag-iisa. Pero hindi nawalan ng pag-asa sa kanya ang kanyang pinsan na si Geoff Eigenmann at tinulungan niya itong makabangon.

Si Geoff ang nagsabi kay Sid na ibaling niya ang kanyang sarili sa sports at ang martial arts na jiu-jitsu ang nakatulong kay Sid na makabawi ulit.

“Ngayon addicted na ako sa sport na iyon.

“I want to say that I had purpose all of a sudden, but in the beginning you don’t see that right away.

“At first it was a competition between you and your cousin. But the next thing you know, the lessons that you learn, everything that you learn from jiu-jitsu, you are able to practice it,” pagtapos pa ni Sid na napapanood  bilang kontrabida ni Dingdong Dantes sa primetime teleserye ng GMA-7 na Alyas Robin Hood.