Una sa Balita

Sibol Mobile Legends umukit ng kasaysayan

0 428

BUKOD sa ginto ay history rin ang inukit ng Phili­ppine Mobile Legends­ Sibol Team matapos talu­nin ang Indonesia, 3-2, sa best-of-5 finals medal match ng 30th Southeast Asian Games Mobile Le­gends: Bang Bang Tournament Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Sa game 1 ay nasungkit ng Team Sibol ang panalo matapos ang heroic game ni Karl Gabriel ‘KarlTzy’ Nepomuceno nang gumawa ito ng backdoor gamit ang hero na si ‘Chou’.

Pagsapit naman ng game 2 at game 3 ay bumawi ang Indonesia nang patiklupin ang national team upang kunin ang 2-1 serye abante.

Ngunit pagpasok ng game 4 at 5 ay pakitang gilas sina Karl Nepomuceno gamit naman ang hero na si Esmeralda sa game 4 at Lunox sa game 5 na nagbuhat sa laro habang si Angelo Kyle ‘Pheww’ Arcangel gamit ang hero na ‘Granger’ upang ratratin ang kalaban at iuwi ang gintong medalya.

“Siguro kaya medyo nag-collapse kami nu’ng game 2 at game 3 kasi medyo nagkaka-error,” pahayag ni coach Dale Vitug matapos silang madaig sa game 2 at 3 na nagbigay ng kalamangan para sa Indonesia.

Naging makasaysayan ang pagkapanalo ng Philippine ML national team dahil unang gintong medalya ito sa pinakaunang eSporting event na ginanap sa biennial meet.

Kabilang sa listahan ng team SIBOL ML:BB team sina Kenneth Jiane “Kenji” Villa, Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno, Carlito “Ribo” Ribo, Jeniel “Haze” Bata-anon, Angelo Kyle “Pheww” Arcangel, Allan Sancio “Lusty” Castromayor at Jason Rafael “Jay” Torculas. (AE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy