Una sa Balita

Sibakan sa Kamara napigil

By ,
0 5

Wala pang magaganap na sibakan sa mga posisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso lalo na sa mga miyembro ng supermajo­rity na sumuway at bumoto ng kontra sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ilang oras matapos sabihin ni House Speaker Panta­leon “Bebot” Alvarez na seryoso itong ipatupad ang kanyang inilatag na polisiya na sinuman ang boboto kontra sa panukala ay tatanggalan ng committee chairmanship at iba pang posisyon sa Kamara.

“Policy is a policy,” ani Alvarez sa isang ambush interview kahapon at isa sa tatamaan dito ay si Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na bumoto ng ‘no’ sa nasabing panukala.

Subalit sa text message ni Fariñas sa mga mamamahayag kahapon, sinabi nito na wala pang magaganap na sibakan sa mga committee chairmanship matapos nitong kausapin si Alvarez.

“No replacements in the leadership positions will happen, yet. I made a plea to the Speaker that he will allow me to handle the matter, which he has kindly granted while saying “only because I trust your judgment”,” ani Fariñas.