Una sa Balita

Sibakan ng komite sa Kamara, inawat ni Rep. Fariñas

By
0 2

Tiniyak ni House Majority leader Rodolfo Fariñas na wala munang galawan sa committee chairmanship ng Kamara na hawak ng mga kongresistang miyembro ng ‘supermajority’ na sumuway sa botohan sa kontrobersiyal na House Bill 4727.

Sa text message ni Fariñas, sinabi nito na napakiusapan niya si House Speaker Pantaleon Alvarez na ‘wag munang ipatupad ang sibakan.

“No replacements in the leadership positions will happen, yet. I made a plea to the Speaker that he will allow me to handle the matter, which he has kindly granted while saying, “only because I trust your judgment,” ani Fariñas.

Dahil dito, mananatili pa rin sa posisyon sina Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang miyembro ng supermajority na bumoto ng ‘no’ sa death penalty na kinabibilangan nina Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, chairperson ng House committee on civil service;  Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato, miyembro ng Commission on Appointment (CA); Quezon City Rep. Jose Christopher Belmonte, chairman ng House committee on land use at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, chairperson on peoples participation.

Kabilang din sa mga bumoto ng ‘no’ na mayroong chairmanshi ay sina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, chairman ng House Committee on Public Information; Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, chairman ng House Committee on Natural Resources at Gabriela Rep. Emmi De Jesus, chairperson ng House Committee on Poverty Alleviation.

Ang mga nabanggit na kongresista ay kabilang sa 54 congressman na bumoto ng laban sa HB 4727 o Death Panalty Bill, pero nanaig pa rin ang supermajority na nakakuha ng 217 votes para lumusot ito sa third and final reading ng Kamara.