Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Siargao bubuksan na sa mga turista – Sec Berna

0 79

Simula November 23 ay maaari nang pumasok ang mga turista sa Siargao, ang Surfing Capital ng Pilipinas.

Ito’y kinumpirma ng isang executive order na inaprubahan ni General Luna Mayor Cecilia Ruson. Para makapasok sa Siargao, ilang minimum health standard ang kailangang sundin ng mga local tourist para masigurong ligtas ang isla sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Saad ng Department of Tourism (DOT), kailangan sumalang sa COVID-19 testing ang mga turista, at makakuha ng e-Health Pass pagdating sa Surigao o Sayak Airport. Kasama din sa requirement ang 5 araw na booking sa hotel o establisimiyento na may kaukulang permit. Sa December 1 naman manunumbalik ang mga flight patungong Siargao.

“This is encouraging news for everyone who loves the sea, especially the surfers. As Siargao reopens to travelers, subject to minimum health and safety standards, the people of the island will regain their livelihood and share their paradise to our kababayans once more with the same level of hospitality they have always been known for,” ayon kay DOT Secretary Berna Romulo-Puyat. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.