Una sa Balita

Siargao at Agusan magkasunod na nilindol

By
0 1,576

Muling niyanig ng lindol ang Siargao Islands at Agusan del Norte ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa bulletion na ipinalabas ng Phivolcs, alas- 3:11 ng madaling-araw kahapon nang tumama ang magnitude 3.7 lindol sa General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte province.

Wala namang naitalang pinsala ang lindol at hindi rin nagbaba ng tsunami alert ang ahensya.

Alas-12:18 ng hatinggabi naman nang yanigin ng magnitude 2.5 lindol ang Kitcharao Town sa Agusan del Norte province.

Kapwa tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang mararanasang aftershock batay na rin sa monitoring ng ahensya.