Una sa Balita

Si Ninoy at ang NAIA

By
0 417

Ngayong Agosto 21, doble ang ating Pista Opisyal o holiday dahil sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, at kasabay nito ay inaalala natin ang sakripisyo at pag-aalay ng buhay para sa bayan ng bayaning si dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr.

Sa kabila ng mga natanggap na paalala na may banta sa kaniyang buhay kapag umuwi siya ng bansa, hindi nagpatinag at hindi natakot si Ninoy dahil para sa kaniya, “The Filipino is worth dying for.” 

At habang pababa siya ng eroplano noong Agosto 21, 1983 na lumapag sa dating Manila International Airport (MIA) [na Ninoy Aquino International Airport na ngayon], naganap ang pinangangambahan ng mga nagmamahal sa kaniya—walang laban na binaril at pinatay si Ninoy.

Noong Pebrero 2004, nilikha ang Republic Act No. 9256 para ideklarang special non-working holiday ang Agosto 21 ng bawat taon para gunitain ang kabayanihan ni Ninoy. Disyembre 1987 naman nang ipangalan kay Ninoy ang dating MIA sa pamamagitan ng Republic Act No. 6639.

Simple lang naman ang dahilan kung bakit ipinangalan kay Ninoy ang MIA, ito ang lugar kung saan siya binaril at pinatay. Hindi ito hiniling ng pamilya Aquino, bagkus ay aksiyon ito ng mga mambabatas na naniniwala sa kadakilaan ni Ninoy na hindi dapat makalimutan.

Ngunit sa halip na pag-initan ang pangalan ng NAIA, ang dapat na puntiryahin ay ang kakayahan at kahusayan ng pasilidad ng paliparan. Sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Air sa runway ng NAIA, nakita ang malaking problema sa kawalan ng kahandaan ng pamunuan ng paliparan. 

Biruin mong buong araw na hindi naalis sa runway ang naaksidenteng eroplano kaya sangkaterbang flight na papaalis at paparating ang naapektuhan. Sa dami ng mga pasaherong naperwisyo, makikita na wala sa pa­ngalan ang problema ng airport, kung hindi sa pasilidad, kagamitan at pamunuan. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”