Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Si Kyrie ang susi: Nets magiging NBA champion

0 112

NANINIWALA si NBA Hall of Famer Isiah Thomas na hindi makakapagbagahe ng kampeonato ang Brooklyn Nets kung wala sa koponan si All-Star guard Kyrie Irving.

Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang binabalak umanong trade ng Nets kay Irving matapos ang Twitter post ni Nick Wright ng Fox Sports.

Ayon pa sa tweet, magreretiro umano sa NBA ang 29-year-old kung sakaling matuloy ang trade, bumuwelta naman si Irving sa nasabing tweet at tinawag si Wright na “puppet”.

Ayon kay Thomas, isang pagkakamali para sa Nets kung ite-trade ang 2016 NBA champion.

“The LeBron James-led Cleveland Cavs that came back and beat the Golden State Warriors after they had a 73-9 season — and LeBron James was off the charts in every statistical category — but the Cleveland Cavs do not win the championship without Kyrie Irving on that team,” saad ni Thomas kay Etan Thomas ng Basketball News.

“Put me down on record. The Brooklyn Nets with the team constructed the way it currently is, cannot, and will not, win the championship if he is not there. Period.”

Magugunita noong Eastern Conference semifinals, nakaranas ng ankle injury si Irving at hindi na natapos pa ang serye kontra Milwaukee Bucks nitong nagdaang season.

Pumoste si Irving kasama ang Nets ng average na 26.9 points, 6.0 assists at 4.8 rebounds per game.

Samantala, unang makakabangga ng Nets sa kanilang regular season opener ang reigning league champions Bucks sa Oktubre 20. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.