Una sa Balita

Si Duterte ang palpak, ‘di lang si Duque – De Lima

0 1,114

Nanindigan si Senadora Leila De Lima na hindi lang si Health Secretary Francisco Duque ang pumalpak sa paghawak sa problemang dulot ng COVID-19 pandemic, kundi si Pangulong Rodrigo Duterte mismo.

“Primary responsibility for the failure of leadership and gross neglect of duties in our COVID-19 campaign rests not on Sec. Duque but on Mr. Duterte,” diin ni De Lima sa pinadala nitong statement mula sa PNP Custodial Center.

Aniya, kung hindi dahil sa pro-Beijing policy ni Pangulong Duterte, dapat ay nuon pang Enero 2020 nirekomenda ni Duque ang pag-ban ng mga biyahe mula sa China kung saan nagmula ang coronavirus disease.

“The dismal and cath-up government response to and preparation for the COVID-19 crisis can only be attributable to the Office of the President. It is not only the DOH who is responsible for our efforts against COVID-19, it is the whole government,” anang senadora.

Katuwiran ni de Lima, nagkulang din ang DFA dahil mabagal sila sa rekomendasyon ng travel ban, walang updated list ang DSWD ng mga mahihirap na pamilya maliban sa mga 4Ps, hindi rin agad nagpatupad ang DOTr ng transportation protocol para maagang pinairal ang social distancing, hindi napag-aralan ng DILG ang isolation center sa bawat local government unit at nakapaghanda sana ang DA ng kanilang buffer stock upang masiguro ang supply ng pagkain.

“These departments do not answer to Sec. Duque. They report to Mr. Duterte,” katuwiran ni de Lima.

Hindi rin umano nakatulong ang mga ulat sa bayan ni Duterte.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More