Una sa Balita

Si Abad ang titser ni Napoles – Aguirre

By
0 2,599

Ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre­ II na si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio ‘Butch’ Abad ang pinaka-guilty sa pork barrel scam dahil mas malalim ang pagkakasangkot nito sa korapsyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) kumpara kay Janet Napoles.

Sa panayam ng isang himpilan ng radyo nitong Sabado, sinabi ni Aguirre na ang media lamang ang nagbansag kay Napoles bilang mastermind ng pork barrel scam subalit mas malaki aniya ang pagkakasangkot dito ni Abad.

Katunayan aniya, si Abad ang nagturo kay Napoles kung paano magtayo ng mga foundation para gamitin sa pork barrel scam.

“As a matter of fact hindi ho ba may luma­labas na meron siyang tutor. So sino ang tutor? Kung ikaw ay nag-tutor, you are the inducer.
You are the more guilty,” sabi ni Aguirre.

Bagama’t hindi direktang tinukoy ng Kalihim si Abad, matatandaan na noong 2014 ay sinabi ni Napoles na ang dating DBM secretary ang nagturo sa kanya kung paano magtayo ng mga foundation.

Dahil dito, sinabi ni Aguirre na maaaring ga­wing state witness sa pork barrel scam si Napoles kung mapapatunayan na hindi ito ang pinaka-guilty sa naturang ano­malya sa PDAF.

“Kung mapapatunaya­n natin dito na ang isang witness ay maraming kapantay na guilty, katulad halimbawa ng mga go­vernment officials, ‘yan po ay may posibilidad na siya ay maging state witness,” paliwanag pa ni Aguirre.

Samantala, nilinaw ng Malacañang na wala pa sa Witness Protection Prog­ram (WPP) si Napoles.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinag-aaralan pa lamang kung uubrang makapasok si Napoles bilang state witness laban sa mga nakinabang sa pork barrel fund.

Pero binigyang-diin ni Roque na ang pagsasaila­lim kay Napoles sa provisional protective custody ng DOJ ay desisyon ni Aguirre.

“Ang pagkakaintindi ko, hindi pa po siya admitted sa WPP at pinag-aaralan pa po kung siya ay maa-admit diyan. At iyong desisyon ay iniiwan ng Palasyo hindi lang sa DOJ kung hindi iyong panel of prosecutor na sila po ang mag-aaral kung karapat-dapat o hindi,” ani Roque.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy