Shrine pinasabog, 72 patay

By

Aabot sa 72-katao ang nasawi sa nangyaring pagpapasabog ng isang suicide bomber sa isang shrine o dambana sa bansang Pakistan.

Sa ulat, posibleng madagdagan pa ang naturang bilang dahil umaabot sa 250 pa ang sugatan sa insidente.

Naganap ang pagpapasabog sa mataong lugar ng Lal Shahbaz Qalandar shrine sa bayan ng Sehwan Sharif kung saan isinasagawa ang Dhamaal, isang tradisyunal na Surfi dance.

Sinasabing isang suicide bomber ang bigla na lamang pumasok sa loob ng naturang dambana na puno ng mga tao at walang anu-anong pinasabog ang kanyang sarili.

SHARE