Una sa Balita

‘Showtime’ walang utang na loob kay Richard Merk!

By
0 2,878

Hayan na, hindi na nga nakapagpigil si Richard Merk na ‘sumbatan’ din ang pamunuan ng It’s Showtime dahil siya umano ang nagbigay ng idea kina Direk Bobot Mortiz at Direk Bobet Vidanes na ‘buhayin’ ang Tawag ng Tanghalan sa telebisyon.

Dalawang meeting daw kay Direk Bobot ang naganap bago niya makumbinsi na imbes daw na bumili o magbayad ng franchise sa mga talent search eh bakit hindi na lang buhayin ang pioneer singing search sa bansa na property naman ng ABS-CBN?

Ayaw na raw sanang ilantad ito ni Richard, pero mukhang ang kawalan ng tamang pagkilala o pagpapasalamat man lang sa nagbigay ng ideya ang never na ginawa ng ABS-CBN.

Kahit man lang daw ang maimbitahan siyang maging hurado ng naturang singing search ay never na ginawa ng management gayung kung tutuusin, kaya raw nakabangon at nakaungos pa sa noontime rival nitong Eat Bulaga ang It’s Showtime ay dahil nga sa pagbuhay nila at pag-incorporate ng Tawag ng Tanghalan sa show.

Hayan na…

Rey V. feeling millennial

To which we agree, dahil marami talagang binuhay na career ang naturang portion, nangunguna na riyan ang career ni Rey Valera, na napansin nga ng marami na kung maka-emote raw sa mga kontesero sa show ay feeling millennial at very updated.

Kung dati raw ay pa-emote-emote na lang ito sa mga maliliit na shows, pero dahil sa Tawag ng Tanghalan nga ay nagalugad nito uli maging ang ibang parte ng mundo. In fact, mas madalas na nga itong wala sa show dahil sa mga tour nito abroad.

Ang iba pa raw na grabeng nakinabang sa TNT ay ang mga career nina Jaya, K Brosas, Karla Estrada, Kyla, Nyoy Volante at Jolina Magdangal.

“Eh si Rico Puno?” tanong ng isang atribida.

“Hayaan mo na siya, pasulpot-sulpot lang naman siya doon. Uupo lang ‘yun as judge kung may show siyang ipu-promote,” mataray na sagot ng kausap namin.

Hayan na talaga hahahahaha!

Gerald ayaw gamitin ni Bea

Nagulat man daw ay nagpaka-totoo si Bea Alonzo na sagutin ang isyu tungkol sa tunay na lagay ng relasyon nila ni Gerald Anderson.

Ito ang ibinahagi sa amin ni Papa MJ Felipe na siyang nag-interview sa maganda at mahusay na aktres bago pa man ito humarap sa media nung Martes ng gabi for the presscon of Kasal.

“Nabigla rin siya sa ta­nong namin,” sey ni Papa MJ sa amin, pero sinagot niyang, “Technically ay wala na sila ni Gerald.”

Sinegundahan naman ito ng aming kaibigan na matalik ding kaibigan ng aktres. Ayon dito, “Ayaw talaga niyang pag-usapan dahil sunod-sunod nga ang movie projects niya (Bea). Siyempre, sasabihing promo lang o gimik pero yun talaga eh.”

Hirit pa ng kausap namin, “After nu’ng gulo sa Gerald-Pia movie, never na talaga silang nagkausap nang matino kahit pa may nakursunadahan silang kotse abroad. Hindi na sila bumalik sa dati.”

Bukod sa Kasal na showing na this May 16, may dalawa pang upcomin­g movies si Bea na posibleng sa buong taon ma-spread ang pagpapalabas. At para hindi masabing gagamitin sa promo ng mga ito ang isyu nila, eh di break pa rin sila until then?

Hmmm…anong sey ninyo mga ka-Abante?